Coco

Coco grabe ang pa-surpise kay Julia

Vinia Vivar Jul 9, 2024
40 Views

Kinilig nang bonggang-bongga si Julia Montes sa pa-surprise na bulaklak ng boyfriend na si Coco Martin.

Sa Facebook post ng aktres noong Sunday ay mapapanood ang short video ng kanyang pagpasok sa isang room without knowing na nandoon ang surprise na bulaklak ni Coco.

“Sweet sunday surprise,” ang title ni Julia sa video.

Sa caption ay nagpasalamat siya kay Coco at inaming super-kilig siya sa surprise nito.

“Grabe naman sa surprise! Grabe sa kilig. Thank you for this Real Coco Martin Thank you!!! ” mensahe ng aktres sa boyfriend.

Sa comment section ay nag-react naman si Coco ng tatlong heart emojis.

Sa video ay makikitang kinukunan si Julia ng mga kasamahan habang pumapasok siya sa isang tila office room kung saan ay naroroon din si Direk Irene Villamor.

Hindi niya agad napansin ang malaking flower arrangement na nakalagay sa may TV at dire-diretsong pumasok ang aktres sabay-beso kay Direk Irene.

Si direk ang nagturo kay Julia ng flowers. Aniya, “Tingnan mo muna ‘yun. Nagulat ang aktres nang makita ang mga bulaklak at sabi sa mga kasamahan, “kaya pala kayo may pa-video. Nakakaloka!”

Nilapitan ni Julia ang bulaklak at binasa ang card na nakalagay. Nakatalikod sa camera ang aktres habang binabasa ang note kaya hindi na nakita pa ng mga kasamahan ang nakasaad dito.

“’Di n’yo mababasa,” pang-aasar ni Julia sa mga kasama.

Naganap ang surprise ni Coco sa girlfriend right before dumalo ang aktres sa 7th EDDYS Choice kung saan ay hinirang siyang Best Actress for “Five BreakUps and a Romance” ka-tie si Charlie Dizon for “Third World Romance.”

Sa comment section ay marami ang pumuri sa pagka-sweet ni Coco at siyempre, super-kilig din ang CocoJuls fans.