Calendar
Janno, Manilyn may closure na
Pagkatapos ng ilang dekada, humingi ng sorry si Janno Gibbs sa dating girlfriend at ka-loveteam na si Manilyn Reynes sa lahat ng sakit na ibinigay niya rito noon.
Sa guesting ni Mane sa vlog ni Janno at ng asawang si Bing Loyzaga ay napag-usapan nila ang nakaraan at sinamantala na rin ng singer ang pagkakataon para humingi ng tawad sa ex-GF.
“I think I’ve never said this publicly or even to you na, I’m sorry if I hurt you. Sorry for the hurt I caused you. Kahit magkaibigan na tayong matagal, hindi ko pa nasasabi sa ‘yo,” sey ni Janno.
Nakangiti namang sagot ni Mane, “okay na ‘yun” at nag-hug sila.
Naging emosyonal naman si Bing sa tila ‘closure’ ng dalawa at sey niya, “’yung ako ‘yung naiiyak.”
Sey pa ni Bing, ito ang first time na na-address nila ang nakaraan kahit matagal na silang magkakaibigan.
Sa naturang vlog ay naikuwento rin ni Janno na sila ang magka-loveteam noon ni Mane sa “That’s Entertainment” at hit na hit nga raw ang tambalan nila.
Pero biglang um-enter si Bing and all of a sudden ay nagkaroon sila ng duets na dati ay si Mane lang ang ka-duet niya.
Tanong ni Janno kay Mane, “Ano ang pakiramdam mo nu’n?”
Sagot naman ng aktres/singer, “Actually, ‘eto, ngayon lang siguro ninyo maririnig. Hindi ako galit sa ‘yo (turned to Bing), totoo.”
Dagdag pa niya, “Kasi akala ng mga tao, ganu’n, eh. Na parang sama-sama ni Bing. Hindi. Para ma-klaro ko lang. Kahit kelan. Hindi ako galit sa ‘yo. Kahit noon pa.”
Pero inamin niya na may kaunting kurot sa kanya ang paghihiwalay nila ni Janno bilang magka-loveteam.
Klinaro ni Janno na magka-loveteam sila ni Manilyn pero nauna niyang naging girlfriend si Bing.
As we all know, si Bing ang nakatuluyan ni Janno at may dalawa silang anak na babae. Si Manilyn naman ay nagpakasal sa aktor at dati rin niyang ka-loveteam na si Aljon Jimenez. at May tatlo naman silang anak.

