BBM2

JICA assisted projects tinitignang solusyon sa pagbaha sa Cavite

Dennis Abrina Oct 31, 2022
231 Views

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hanapan ng matagalang solusyon ang pagbaha sa Cavite.

Isa sa titignan ng gobyerno ang Japan International Cooperation Agency (JICA) assisted projects.

“Kaya’t naghahanap kami ng long-term solution para dito. May possibility na mayroong project na approved na galing sa Japanese sa JICA na palalakihin nila ‘yung ilog para mas malaki ang dadaanan ng tubig and then mayroon siyempre may mga flood control na gagawin. So iyon ang long term,” sabi ni Marcos.

Binisita ni Marcos ang mga nasalanta ng bagyo sa Noveleta, Cavite noong Lunes.

“Pero in the short term, I think more or less nabantayan na natin, naalagaan na natin lahat ng mga naging biktima, so we are at the stage now of rebuilding,” dagdag pa ni Marcos.

Dahil sa lakas ng pag-ulan dala ng bagyong Paeng ay binaha ang malaking bahagi ng Cavite.

“Eh lahat ng tubig galing Tagaytay dito pumupunta eh. So talagang ang lakas ng tubig. Nasira ‘yung mga flood control kaya’t nakapasok ‘yung tubig, nabaha nang husto,” sabi pa ng Pangulo.

Bukod sa pamimigay ng relief goods, pinangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng financial aid sa ilalim ng assistance to individuals in crisis situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).