Jinggoy Estrada

Jinggoy itinangging may coup sa Senado: Walang ganun

52 Views

ITINANGGI ni Senate President Pro Tempore Jose “Jinggoy” Estrada noong Lunes ang kumakalat na “marites” na siya ang susunod na Senate president kapalit ni Sen. Francis “Chiz” Escudero.

Pinagtawanan lang ni Estrada ang ideyang ito at sinabing: “I am definitely not taking over. Walang ganyang scenario na maaalis siya.”

Binigyang-diin ni Estrada ang kanyang suporta kay Escudero at ipinahayag ang kasiyahan sa pamumuno nito.

“I am very satisfied with his leadership. I’m comfortable with SP Chiz. And as far as I know, majority of the senators expressed satisfaction with his kind of leadership,” pahayag ni Estrada

Bagama’t kinumpirma ni Estrada na mayroong pagtatangka na tanggalin si Escudero mga dalawa o tatlong linggo na ang nakalipas, nilinaw niyang hindi siya kasali sa ouster plot na ito.

“Definitely, hindi ako ‘yun,” aniya. Pinuri rin niya ang naging performance ni Escudero, partikular ang productivity ng Senado sa ilalim ng kanyang pamumuno.

“In fairness to SP Chiz, marami talagang naipasa ang Senado under his leadership. Halos lahat ng nakabinbin na legislative agenda naipasa.

Nakita n’yo naman kung paano kami nagtatrabaho ng overtime. So malabo yun,” dagdag niya.