John

John senti sa reunion nila ni Heart

Vinia Vivar Jun 8, 2026
33 Views

Senti (sentimental) mode si John Prats sa kanyang Instagram post tungkol sa pagsasama nilang muli ni Heart Evangelista.

Reunited ang dating magka-loveteam at magdyowa sa pinakabagong music video ni TJ Monterde na “Teka Lang”.

Bukod dito ay nagkasama rin ang dalawa nang mag-guest si John sa “Heart World” ni Heart kamakailan.

Nagbahagi ang aktor ng larawan nila ng ex-girlfriend mula sa music video na pinagsamahan nila at sa caption, nagpasalamat siya kay Heart for accepting the project.

Ayon pa kay John, hindi niya akalain na darating ang time na magkakasama pa rin sila sa isang project after so many years.

“Thank you Gummy @iamhearte , for saying yes to this project. Sa totoo lang, hindi ko inakala na after so many years, makikita pa tayo ulit sa screen together,” sey ng aktor.

“Hanggang ngayon parang surreal pa rin isipin,” aniya pa.

Inamin din ni John na maraming alaala ang nagbalik sa pagsasama nilang ito ng dating ka-loveteam.

“Salamat sa tiwala at sa pagpayag na maging part ng project na ito. Ang daming memories ang bumalik, pero mas masaya na nakagawa tayo ng bago para sa mga taong sumubaybay sa atin noon. Grabe lang talaga si God. Full circle moment,” saad ng aktor/direktor.

inusuan naman ni Heart ang post na ito ng ex-boyfriend.

Matatandaang nagkapareha sina Heart at John sa youth-oriented show na “G-mik” noong early 2000 at isa ang loveteam nila sa mga pinakasikat na tambalan that time.

Nauwi sa totohanan ang kanilang onscreen romance pero dahil mga bata pa ay naghiwalay din sila in the end.