Joshlia

JoshLia sinabi kung paano sila nagkabalikan

36 Views

NAKAPANAYAM ni Bernadette Sembrano sina Joshua Garcia at Julia Barretto, mga bida ng “Un/Happy For You,” at ibinahagi nila kung paano nila muling pinasigla ang kanilang onscreen connection bilang mag-ex sa totoong buhay sa “Tao Po” ngayong Linggo, 6:30 pm.

Sa eksklusibong panayam, sinabi nina Joshua at Julia kay Bernadette kung paano sila nagkabalikan bilang onscreen partners at ibinahagi ang naging proseso nila upang maibalik ang kanilang chemistry.

Tampok din sa “Tao Po” ang UP Summa Cum Laude na si Ingrid Delgado, isang stroke survivor na nagawang malampasan ang kanyang pisikal at mental na mga hamon sa kalusugan. Ibinahagi ni Ingrid ang tungkol sa kanyang kuwento ng dedikasyon sa kapwa Iska na si Joyce Balancio.

Samantala, handog naman ni Kabayan Noli de Castro sa mga manonood ang kwento ni Sarah Jane Silvestre, isang fire survivor.

Ang sunog na dulot ng sumabog na tangke ng LPG ay nagresulta sa kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang bayaw at isang kapitbahay na tumulong sa kanila sa aksidente.

Bilang tugon sa sitwasyon, nagpaabot ng tulong pinansyal si Kabayan Noli kay Sarah Jane at sa kanyang batang anak.

Panoorin ang mga kuwentong ito ngayong Linggo (August 18) sa “Tao Po,” 6:30 ng gabi, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel at iWantTFC.