Sunog Source: File photo

Kabahayan sa QC nasunog; 3 sugatan

26 Views

SUGATAN ang tatlong residente ng Brgy. Pansol sa Quezon City nang masunog ang anim na bahay dahil umano sa itinapong yosi noong Lunes.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-2:27 ng hapon sa Brgy. Pansol at tinupok ang kabahayan ng 15 pamilya.

Tatlong lalaki na may edad 26 hanggang 63 ang nagtamo ng mga lapnos sa katawan.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na naapula dakong alas-4:16 ng hapon.

Sa imbestigasyon, isang residente ang nakakita sa grupo ng mga teenager na humihitit ng sigarilyo sa likod ng isang bahay na may nakatambak ng mga damit bago sumiklab ang apoy.