Isko

Kabataan hinimok ni Mayor Isko na magsiwalat ng katotohanan

Edd Reyes Oct 14, 2025
310 Views

HINIMOK ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga propesyunal na gabayan silang mga pampublikong pinuno lalu na’t taglay nila ang kahusayan para ito gawin.

Sa kanyang talumpati bilang panauhin sa 14th Philippine Professional Summit sa Manila Hotel Martes ng tanghali, hiniling niya sa mga miyembro ng Professional Regulation Commission (PRC) at komunidad ng mga propesyunal na gamitin ang moral na tapang para panagutin ang mga namumuno sa gobyerno upang makatulong na mapabuti ang patakarang pampubliko.

“I will be better to be surrounded by professionals in terms of delivery of services and programs and planning, because the guts of doing it belongs to the leader, but the proper way to do it belongs to the professionals,”paliwanag ng alkalde.

“Guide your leaders. Don’t be afraid to tell them, ‘Boss, mukhang sablay ’yan,’” dagdag pa nya.

Sanabi ni Mayor Domagoso na pinaiiral nila sa Maynila ang sistemang batay sa merito at nirerespeto nila sa lungsod ang mga propesyunal sa paniwalang liliit ang bilang ng mga tiwaling opisyal kapag maraming propesyunal.

Sinabihan din niya ang mga propesyunal na huwag isuko ang paniniwala sa mga namumuno dahil hindi lahat ng lider ay “BBS” na ang kahulugan ay bilib na bilib sa sarili.

“There are still those who have guts and focus, but who also know how to listen when it’s time to listen,” sabi ng alkalde kasabay ng pagbanggit na ang pagpapakumbaba at pagiging bukas sa mga eksperto ay tanda ng mabuting pamamahala.

“The country needs you. The world will see the Philippines, especially the City of Manila, as a community of professionals. One day, when you’re old and looking back, you’ll ask yourself, ‘Why didn’t I do it when I had the chance?’ So do something today. Always way forward,” pagtatapos ng alkalde sa kanyang talumpati.