Calendar
‘Tulak’ tiklo sa P6.4M shabu
NASAMSAM ng mga pulis ang malakiing bulto ng shabu sa hinihinalang supplier ng droga sa mga street pushers noong Martes sa Paranaque City.
Aabot sa 960 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,460,000 ang nakumpiska ng mga tauhan ni Paranaque police chief P/Col. Nicolas Piñon kay alyas Salvador, 30, bukod pa sa 50 gramo na ibinenta niya sa pulis na nagpanggap na buyer na nagkakahalaga ng P340,000.
Sa ulat na tinanggap ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Randy Arceo, isinagawa ng buy-bust dakong alas-5:15 ng umaga malapit sa tirahan ni alyas Salvador sa San Luis St., Sitio Fatima Valley 6, Brgy. San Isidro.
Nakumpiska rin sa suspek ang markadong salapi na ginamit sa operasyon na kinabibilangan ng isang tunay na P1,000 at 49 na piraso ng P1,000 boodle money.

