Surrender

Kagawad, 2 pa, nagsuko ng 3 paltik na boga

Steve A. Gosuico Jun 1, 2025
25 Views

CABANATUAN CITY–Tatlong walang lisensya at paltik na baril ang isinuko ng barangay kagawad at dalawang iba pa sa Laur, Nampicuan at General Natividad noong Sabado.

Ang mga isinukong baril naganap sa ilalim ng PNP Balik-Baril program, ayon sa hepe ng pulisya ng Nueva Ecija na si P/Col. Ferdinand Germino.

Isinuko ng kagawad ang homemade o paltik na cal .38 revolver sa Laur police station dakong alas-8:00 ng umaga.

Sa isa pang insidente, isa pang paltik na cal .38 revolver ang itinurn-over sa Nampicuan police matapos matagpuan sa loob ng kamalig sa Brgy. Recuerdo.

Kusa ding isinuko ng magsasaka sa General Mamerto Natividad ang isa pang improvised cal .38 revolver noong araw ding iyon.

Sinabi ni P/Col. Salvador Destura Jr. ng Manila Police District at dating chief of police ng Valenzuela City na paltik ang anumang baril na homemade o improvised.

Ayon sa hepe ng pulis, lumalakas ang kampanya ng pulisya ng Nueva Ecija kontra sa mga loose firearms.

Sinabi ng opisyal na ang inisyatiba naglalayong bawasan ang karahasan na may kinalaman sa baril sa pamamagitan ng paghimok sa mga sibilyan na isuko ang mga hindi lisensyado, gawang bahay o loose firearms sa mga awtoridad.