Martin1

Kahalagahan ng OFWs kinilala ng Kamara

211 Views

BILANG pagkilala sa kahalagahan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) at kanilang kontribusyon sa bansa, inaprubahan ng Kamara de Representantes ang panukalang na gawing Level 3 ang OFW Hospital sa Pampanga.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang pagpasa ng House Bill 8325 ay patunay sa pagnanais ng Kamara na matugunan ang pangangailangan ng mga OFW.

“This bill is a proof of our continuous support and commitment to the welfare and protection of our OFWs. The creation of this specialty hospital that will be open to the public but will primarily serve our OFWs and their dependents will ensure that they will get the quality, timely and efficient health care services that they deserve,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ang HB 8325 o ang panukalang Overseas Filipino Workers Hospital Act ay inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa ilalim ng panukala, ang ospital ay isasailalim sa pangangasiwa ng Department of Migrant Workers (DMW).

Sina dating Pangulo at ngayon ay Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Reps. Ciriaco Gato Jr., at LRay Villafuerte, ang mga pangunahing may-akda ng panukala.

Bagamat ang mga OFW ang prayoridad na maserbisyuhan ang naturang ospital, maaari pa rin ding pumunta ang publiko.