Calendar
Metro
Kainuman binoga buhay; bumoga naaresto
Edd Reyes
Jul 7, 2025
393
Views
HIMALANG nabuhay ang lalaki na binaril ng 53-anyos na negosyante na nasuntok ng biktima dahil sa pagtatalo noong Linggo sa Malabon City.
Naaresto ng mga tauhan ng Malabon police sub-station 4 ang suspek na si alyas Arnel at isinugod sa Ospital ng Malabon ang biktimang si alyas Ricky dahil sa tama ng bala sa kanang binti.
Sa ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad, nag-iinuman ang magkapitbahay sa Gabriel Compound nang magkaroon ng mainitang pagtatalo dakong alas-10:30 ng gabi na nauwi sa panununtok ng biktima sa suspek.
Bumunot ng baril ang suspek at pinutukan ang kainuman na tumama sa kanang binti.
Nakumpiska sa suspek ang lisensyadong kalibre .45 pistol na may dalawa pang bala sa magazine.
1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026

