Kalihim ng DOH itatalaga ni PBBM kapag naging normal ang sitwasyon

197 Views

MAGTATALAGA umano si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng kalihim ng Department of Health (DOH) kapag naging normal na ang sitwasyon.

“Sa ngayon, naghahanap kami ng paraan para ma-normalize na natin at hindi na natin kailangan sabihin na ang Pilipinas ay state of calamity pa rin,” sabi ng Pangulo.

Sa kasalukuyan si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang nagsisilbing officer-in-charge ng ahensya.

Binigyan-diin ni Marcos ang kahalagahan na maging normal na ang sitwasyon sa bansa upang tuluyan ng mabuksan ang ekonomiya.

“We have to get away from the emergency stance of the DOH because we have to open up businesses, we have to make the Philippines more hospitable to travelers both business and tourist, and it does not help if we are still under a state of calamity. Kailangan pa nating ayusin ‘yun,” ani Marcos.