Calendar
KALINGA Act emergency response, relief, resilience na nagbibigay ng solusyon sa krisis
ANG panukalang KALINGA Act ang emergency response, relief at resilience na nagbibigay ng proteksyon at solusyon sa krisis na kinakaharap ng mamamayang Pilipino, ayon kay Marikina City Rep. Miro Quimbo.
Ipinahayag ni Quimbo na ang House Bill No. 8834 o ang Kalinga Act ay magpapatatag sa mekanismo ng bansa para sa emergency response na nagpoprotekta sa mga Pilipino laban sa world economic crisis.
Ang pahayag ni Quimbo ay ginawa nito matapos niyang pamunuan ang Ad Hoc Committee on Legislative Energy and Development (LEAD).
Ang House Bill No. 8834 ay inakda at isinulong nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos na layuning magbigay ng agarang tulong para sa mga mahihirap na mamamayan.
Idinagdag pa ng solon na: “Sa madaling salita, kailangan gamutin ang mga sugat ngayon. Sabay nang mas malalim na aksyon sa sakit ng sistema.”
Ipinaliwanag pa ng kongresista na ang panukalang Kalinga Act o ang Komprehensibong Alalay sa Livelihood, Inflation, Negosyo at Goods Assistance Act ay hindi lamang dinisenyo bilang isang programa ng ayuda kundi bilang sa agarang saklolo.

