Sen. Ejercito isinusulong P5K grant sa mga bagong grads na naghahanap ng unang trabaho

17 Views

ISINUSULONG ni Sen. JV Ejercito ang panukalang batas na magbibigay ng P5,000 cash grant sa fresh graduates upang makatulong sa kanilang gastusin habang naghahanap ng trabaho.

Inihain ni Ejercito ang Senate Bill No. 1961 (Fresh Graduates P5,000 One-Time Cash Grant Act of 2026) para alalayan ang mga graduates sa paglipat mula paaralan patungo sa employment.

Sinabi ni Ejercito na maraming graduates ang nahaharap sa financial pressure kahit bago pa sila makakuha ng unang trabaho, lalo na ang mga mula sa low-income families na kailangang gumastos ng paulit-ulit para sa interviews, requirements at biyahe.

Sa ilalim ng panukala, ang qualified beneficiaries ay makatatanggap ng P5,000 grant matapos makapagtapos ng college o technical-vocational programs, alinsunod sa guidelines na ilalabas ng concerned agencies.

Sinabi ni Ejercito na makatutulong ang assistance upang mahabol ng graduates ang job opportunities sa halip na mapigilan sila ng gastos sa pag-a-apply ng trabaho.

Ang panukala ay na-refer na sa Senate Committees on Higher, Technical and Vocational Education and Finance.

Kapag naisabatas, lilikha ang panukala ng direktang support mechanism para sa fresh graduates na naghahanap ng unang trabaho.