Sen. Tulfo: Magniniyog, ‘di pulitiko, dapat makinabang sa Coconut Farmers and Industry Trust Fund

27 Views

DAPAT makinabang sa Coconut Farmers and Industry Trust Fund ang mga magniniyog, hindi ang mga politiko o piling opisyal, habang nire-review ng mga senador ang mga panukalang layong palakasin ang partisipasyon ng farmers sa paggamit ng pondo, ayon kay Sen. Erwin Tulfo.

Ginawa ni Tulfo ang pahayag sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform sa Senate Bill No. 1457 na kanyang inihain upang amyendahan ang Republic Act No. 11524, o ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act.

Sinabi ni Tulfo na dapat magkaroon ng representasyon, boses at partisipasyon ang coconut farmers sa bawat hakbang ng pagbuo at pagpapatupad ng mga programang para sa kanilang kapakanan.

“As the principal author of this measure, and with our chairman having also previously served as a principal author, our objective is clear: To ensure that coconut farmers themselves have genuine, direct, and meaningful participation in deciding how the Coconut Farmers and Industry Trust Fund will be utilized,” sabi ni Tulfo.

Hindi dapat maulit ang mga dating pagkakamali sa pondo at dapat itong gamitin upang mapabuti ang kabuhayan ng coconut farmers at mapalakas ang coconut industry.

“This fund is not for a few officials, not for politicians, and certainly not for repeating the mistakes of the past,” ani Tulfo.

Tinalakay din sa hearing ang Senate Bill No. 2095, na inihain ni Sen. Joel Villanueva, at Proposed Senate Resolution No. 23, na inihain ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na nananawagan ng inquiry sa implementasyon ng trust fund law.

Sinabi ni Pangilinan na dapat matukoy sa hearing kung tunay bang napabuti ng pondo ang buhay ng ordinaryong magniniyog.

Kabilang pa rin ang coconut farmers sa pinakamahihirap sa bansa kahit ang pondo ay nilikha sa kanilang pangalan, ayon kay Pangilinan.

Nanawagan din si Senate Deputy Majority Leader Risa Hontiveros ng pagrepaso sa implementasyon ng batas, kasabay ng pagsasabing hindi pa lubos na nakikinabang ang coconut farmers kahit nananatiling isa ang Pilipinas sa leading coconut producers sa mundo.

“We want to establish the Philippines as the world’s leading coconut exporter but that will not happen if the lives of small coconut farmers do not improve,” ani Hontiveros.

Maaaring kailangang balikan ang mga probisyon at implementation mechanisms ng batas, partikular ang may kaugnayan sa diversification at replanting programs, sabi ni Sen. Hontiveros.

“We need to revisit and redesign this policy to close a number of major gaps and ensure that benefits are directly felt by coconut farmers, their families, and the coconut industry as a whole,” ani Hontiveros.