Mandanas

Kalusugan pinag-usapan ni Gov. Dodo, PhilHealth pres

12 Views

NAGKAROON ng talakayan tungkol sa ilang mahahalagang programa at usaping pangkalusugan sa Batangas sa pagbisita ni Dr. Edwin Mercado, pangulo at CEO ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), kay Gov. Hermilando Mandanas noong Pebrero 24 sa DREAM Zone sa kapitolyo ng Batangas.

Kabilang sa topics ang mga karamdamang nasa top priority ng PhilHealth, Primary Health Care Konsulta Package at iba’t-ibang PhilHealth Packages para sa mga Rural Health Units.

Kasama rin sa mga paksang tinalakay ang malawakang libreng paggamot, financial integration at Memorandum of Agreement (MOA) ng iba’t-ibang pribadong ospital sa pamamagitan ng Universal Health Care (UHC) integration.

Dinaluhan ang pulong nina Board Member Arlina Magboo, Dr. Rene De Grano; Pangulo ng Private Hospital Association, Dr. Florentino Afable, Dra Eloisa Darain PHTL-PDOHO, mga miyembro ng Association of Municipal Health Officers of the Philippines (AMHOP), Provincial Administrator Wilfredo Racelis, Provincial Legal Officer Atty. Cristino Judit, Chief of Batangas District Hospitals at mga kawani at opisyales ng Provincial Health Office.