Mike

Kamara pinagtibay resolusyon ng pakikiramay sa naulila ni Mike Enriquez

136 Views

PINAGTIBAY ng Kamara de Representantes sa pangunguna Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at iba pang opisyal ng kapulungan, ang isang resolusyon na nagpapahayag ng pakikiramay sa mga naulila sa pagpanaw ng beteranong brodkaster at GMA-7 network executive na si Miguel “Mike” Enriquez.

Kasama ni Speaker Romualdez bilang may akda ng House Resolution No. 1254 sina Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio D. Gonzales, House Majority Leader Manuel Jose M. Dalipe, House Minority Leader Marcelino C. Libanan, House senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos, Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez, at Jude A. Acidre upang bigyang pugay si Enriquez at makidalamhati sa misis nitong si Lizabeth “Baby” Yumping.

“The industry and GMA-7 have just lost a broadcasting giant. The death of Mike Enriquez has left a void in the industry and in his beloved network his colleagues would struggle to fill. His absence will be felt for a long time,” ani Speaker Romualdez kay Enriquez na pumanaw noong Agosto 29 sa edad na 71.

Inilarawan ng lider ng Kamara si Romualdez bilang “tireless media practitioner, an anti-corruption, an anti-abuse, and an anti-wrongdoing crusader” at bilang “champion of the oppressed, the abused.”

“His docudrama Imbestigador was his vehicle for exposing corruption and mischief. His now famous punchline ‘Hindi kita tatantanan!’ sent an ominous warning to wayward and abusive public officials, policemen, other public servants, and other citizens with influence,” sabi pa ng lider ng Kamara.

Kinilala rin sa resolusyon ang mga nagawa ni Enriquez upang maipagtanggol ang kapakanan ng mga kapus-palad.

“Enriquez’s famous catch phrases ‘Excuse Me Po!,’ ‘Pasensiya Na Po,’ and ‘Hindi Namin Kayo Tatantanan!’ reflected his unbiased and unflinching approach to news reporting and upheld the journalistic principles of integrity, accuracy, objectivity, and openness,” sabi sa resolusyon.

Kinalaban din umano ni Enriquez ang mga tiwali at abusadong opisyal at empleyado ng gobyerno.

Ang natatanging boses ni Enriquez ay umalingaw-ngaw din umano sa bawat tahanan ng mga Pilipino at nagdala ng kamalayan sa iba’t ibang isyung kinakaharap ng bansa at ng mundo.

“Mr. Mike Enriquez wholeheartedly served his audience with utmost passion, courage, and devotion, and left a legacy of hard work and truthfulness worthy of emulation and recognition by the entire Filipino nation,” sabi pa sa resolusyon.

Hindi batid ng lahat, si Enriquez ay isang mapagmahal na asawa, minamahal na anak, kapatid, at apo na maipagmamalaki ng kanyang angkan dahil sa mga narating nito.

Si Enriquez ay nag-aral sa De La Salle University (DLSU) mula elementarya hanggang kolehiyo.

Siya ay nagsilbing katatagan ng kanyang mga kapatid, modelo ng kasipagan ng kanyang mga kaibigan at katrabaho at tahimik na tumutulong sa mga religious at charitable organizations.

Sinimulan ni Enriquez ang kanyang matingkad na karera sa broadcasting industry noong 1969 nang pumasok ito sa Manila Broadcasting Company (MBC) bilang isang staff announcer, bago naging reporter, news editor, program director, at station manager.

Siya ay lumipat sa GMA-7 network noong 1995 at sinimulan ang kanyang karera bilang isang news anchor para sa “Saksi: GMA Headline Balita” bago naging host ng flagship news program na “24 Oras” at GMA Public Affairs Program na “Imbestigador.”