BBM Presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Kampo ni BBM: Hindi nagsisinungaling ang mga numero, Marcos malayong una sa lahat ng survey

537 Views
Rodriguez
Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff and Spokesman of presidential candidate Bongbong Marcos

KINUMPIRMA ng pinakabagong resulta ng Pulse Asia kung saan si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ay nakakuha ng 60% pre-election voters preference score ang matagal na nating alam — na malayong una na ang UniTeam standard-bearer kung saan napakalaki na ng puwang niya sa ibang presidentiables.”

Ito ang sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff at tagapagsalita ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

Ito ay matapos muling namayagpag ang tambalan nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte sa survey ng Pulse Asia noong Enero.

Nakakuha si Marcos ng 60% malayo sa pumapangalawa na si Vice President Leni Robredo na mayroon lamang 16%.

Idiniin ni Rodriguez na pinatibay ng Pulse Asia Pulso ng Bayan Pre-electoral Survey ang resulta ng ibang survey firms, kung saan ang pinakahuli ay ang Laylo Research mega polls kung saan nakakuha si Marcos ng 64% voters’ preference rating.

Sinabi pa ng Marcos spokesman na pareho rin ang resulta ng ibang survey firms tulad ng Tangere, Social Weather Station, OCTA Research Tugon ng Masa surveys, Publicus, Issues at Advocacies Center, pati ng iba pa.

“Even the informal DZRH, RMN and nationwide Kalye Surveys, bring forward similar data, underscoring the very positive reception of the populace towards Marcos’ candidacy for president.

Numbers don’t lie, and it is really humbling to know that our message for national unity is resonating among the overwhelming majority of the Filipino people. Indeed, we are gladdened to know that Filipinos are now ready to unite as a people, a signal that the Philippines is geared to claim her greatness, once again,” ani Rodriguez.

Sa vice presidential race, nakakuha naman si Duterte ng 50% malayo rin sa pumapangalawa na si Senate President Tito Sotto III na may 29%.

Sumunod naman sina Sen. Kiko Pangilinan na may 11%, Dr. Willie Ong na nakuha ng 5% at Buhay party-list Rep. Lito Atienza na may 1%.

Ginawa ang survey mula Enero 19-24. Kinuha rito ang opinyon ng 2,400 respondent na edad 18 pataas. Mayroon itong error of margin na plus/minus 2% at 95% confidence level.