Kampo

Kampo ni Rep. Fernandez pinapa-DQ 2 Fernandez

Edd Reyes Oct 16, 2024
46 Views

NAGHAIN ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) ang abogado ni Sta Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez upang ideklarang nuisance candidate ang dalawang Fernandez na kapwa naghain ng kandidatura bilang Gobernador ng lalawigan.

Ang naturang petisyon ay inihain ni Atty. Ariel Radovan sa Comelec Law Department Miyerkules ng umaga laban kina Jenny Vhee Fernandez na ginamit bilang partido ang Aksiyn Demokratino at Independent naman kay Neizelino Fernandez.

Sa kanilang paghahain ng kandidatura, gumamit ng palayaw na Dana Fernandez si Jenny Vhee habang Da Boy Fernandez naman ang kay Niezelino na kanilang ipinalalagay sa balota upang lituhin umano ang mga botante lalu na’t Dan Fernandez ang palayaw ng kongresista na ilalagay sa balota sa kanyang pagtakbo bilang Gobernador ng lalawigan.

Nakasaad sa naturang petisyon ang mga nakalap na ebidensiya ni Rep. Fernandez laban sa paghahain ng CONA ng dalawa.

Kabilang dito ang isinumiteng driver’s license ni Ms. Fernandez na wala umanong rekord sa Land Transportation Office (LTO), ang paggamit ng partidong Aksyon Demokratiko na wala umanong pahintulot ang mga opisyal ng partido, at hindi Dana Fernandez ang talagang palayaw nito sa kanilang barangay sa Sto Angel Central, Sta Cruz, Laguna.

Sa inilabas namang Certification ni Brgy. Chairman Mario Pastidio ng Brgy. Cuyab sa Lungsod ng San Pedro, walang Niezelino Fernandez na rehistradong botante o residente sa kanilang lugar bukod sa N/A o not applicable ang isinulat niya sa chosen profession o occupation.