Calendar

Kandidatura ni Villar inendorso ng Garcia clan ng Cebu City
INENDORSO ng makapangyarihan at maimpluwensiyang “Garcia clan” sa pangunguna ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang kandidatura ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial bet Camille A. Villar para sa nalalapit na 2025 mid-term elections.
Mismong si Governor Garcia ang personal na nagtaas ng kamay ni Villar bilang tanda ng solidong pagsuporta ng buong lalawigan para sa nasabing APBP Senatorial candidate kasama na sa mga nagpahayag ng kanilang suporta ay ang tinatatang 31 mayors mula sa iba’t-ibang bayan ng Cebu City na kasapi ng One Cebu party.
Sa kaniyang mensahe sa harap ng libo-libong mamamayan ng lalawigan at mga opisyal ng Local Goverment Unit (LGU), taos pusong nagpasalamat si Villar dahil sa suportang ibinigay ni Governor Garcia at mga mayors para sa kaniyang kandidatura. Kasunod nito ang muling pagpapahayag ng kaniyang commitment para matulungan ang Cebu City.
“I am greatful and at the same time humbled by the support from Gov. Gwen Garcia and the mayors who came all out to welcome us,” bahagi ng mensahe ni Villar.
Winika ng kongresista na kabilang sa mga adbokasiya na tututukan nito hindi lamang para sa Cebu City kung para sa buong bansa sakaling siya ay papalaring mahalal sa Senado ay ang job creation, women empowerment, financial literacy at suporta para sa small and medium-sized enterprises.
Ang Region na kinabibilangan ng Cebu City ay mayroong tinatayang 4,753,563 registered voters kung saan ang Cebu naman ay may 3,702,363 registered voters.