Kaori Larawan mula sa IG/@kaori_oinuma

Kaori sa ina: ‘Kung anuman meron ako ngayon, lahat para sa kanila’

252 Views

LAHAT daw ng ginagawa ngayon at tinatrabaho ng model-actress na si Kaori Oinuma sa kanyang career ay ibinibigay niya para sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina.

Sa latest vlog ng journalist na si Karen Davila kasama si Kaori bilang guest, tila naging emosyonal ang ‘A Very Good Girl’ star nang tanungin patungkol sa kanyang ina.

Inamin ni Kaori na hindi siya masyadong bukas sa kanyang ina.

Samantala, nagpasalamat naman ang aktres dahil hinayaan siya nitong gawin ang mga gusto niya.

“Anong mensahe mo para sa nanay mo?” tanong ni Karen.

“Message ko kay mama… Hindi kasi kami ganun ka-open din eh. So gusto ko lang sabihin din na syempre sobrang nagpapasalamat ako [na] hinayaan niya ‘kong matupad ‘yung mga pangarap ko para sa’min din lahat,” sey ni Kaori.

“And kung anuman ‘yung meron ako ngayon, kung anuman lahat ng napupundar ko ngayon, lahat ‘yun para sa kanila,” saad pa ng aktres.