Navotas Si Mayor John Rey Tiangco nang pangunahan ang seremonya ng pagbubukas ng bazaar matapos pailawan ang higanteng Christmas tree. (edd reyes)

Kapaskuhan simula na sa Navotas, Mayor John Rey pinailawan giant Xmas tree

Edd Reyes Nov 23, 2024
13 Views

SIMULA na ng Kapaskuhan sa Navotas City nang pangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang pagbubukas ng ilaw ng higanteng Christmas tree na sinundan ng fireworks display sa Navotas Citywalk and Amphitheater.

Bukod sa pinailawang Christmas tree, binuksan rin ang Navotas Christmas Bazaar, kasabay ng paglulunsad muli ng NavoConnect free Wi-Fi. na magkakaloob ng serbisyo sa 250 gagamit nito sa loob ng 30-minuto kada araw.

“Christmas is a time to celebrate family ties and relationships. Every year, we make it a point to have our Christmas decorations colorful and fun. This is to encourage Navoteño families to spend time and bond with each other without the hassle of travel and extra spendings,” pahayag ni Tiangco.

“This year, our celebration centers on the theme, ‘NavoPasko: Konektado sa isa’t isa, all the way ang saya!’ We want to highlight the significance of connection and communication among families, friends, and members of our community,” dagdag pa niya.

Magbubukas naman ang bazaar na kinatatampukan ng iba’t-ibang bilihing pagkain, damit, souvenir items, accessories at iba pa ng alas-8 hanggang alas-12 ng hatinggabi.

Sinabi ni Mayor Tiangco na lalahukan din Kadiwa ng Pangulo ang bazaar sa Nobyembre 25 at 26, upang makapagbenta ng murang bigas sa mga Navoteno.