Cancer Source: FB

Kaso ng breast cancer sa PH tumataas, maagang pagtuklas kailangan

112 Views

NAGPAALAALA si Sen. Cynthia Villar ng pangangailangan ng mas mataas na kamalayan at maagang pagtuklas ng breast cancer sa mga pasyente.

Ayon sa senadora, dapat palawigin ang “health vigilance” ng bawa’t isa, bilang tugon sa tumaataas na mga kaso ng breast cancer dito sa ating bansa.

“‘Health is wealth’ ika nga, kaya mahalaga na bigyan natin ng panahon ang ating kalusugan.

Dapat lagi tayong naka-alerto sa mga early signs and symptoms ng mga nakakabahalang sakit, kasama na diyan ang breast cancer,” sabi ng senadora.

Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO), breast kanser ang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga kababaihan sa Pilipinas.

May mga pagtatantya na isa sa bawat 13 kababaihang Pilipino ang maaaring magkaroon ng sakit sa panahon ng kanilang buhay.

Sa buong mundo, tinatayang mahigit sa 2.3 milyong mga bagong kaso ng breast kanser ang nadadagdag bawat taon, ayon din sa WHO.

Tampok din sa seminar ang kahalagahan ng pagpapalawak ng kaalaman at kamalayan tungkol sa breast cancer na maaaring epekto nito sa mga indibidwal at kanilang mga mahal sa buhay, anuman ang kasarian.

“Sa pagtitipon ngayon, layon nating palawakin ang inyong kaalaman at kamalayan upang mas maagapan ang sakit na ito na maaaring makaapekto sa inyo, sa inyong pamilya, mga kaibigan, kapitbahay o iba pang mahal ninyo sa buhay, babae man o lalaki,” dagdag pa ng senadora.

Tinugunan din ni Villar ang mga karaniwang paniniwala sa breast kanser na ito rin maaring makaapekto pati na sa kalalakihan.

Nanawagan siya na mas paigtingin pa ang komunikasyon ng kaugnay na impormasyon sa kalusugan at pinahusay na mga kakayahan sa pananaliksik upang mapalakas ang mga serbisyo sa kalusugan ng publiko.

“Tandaan po natin na “information is a powerful weapon” and “prevention is always better than cure,” sabi niya.

Bilang isang tagapagtaguyod para sa kalusugan at kagalingan, patuloy si Sen. Villar sa kanyang nasimulang adhikain ukol breast kanser, patunay sa kanyang dedikasyon at hangarin na mapabuti ang kalusugang papubliko sa Pilipinas.