Vergeiri

Kaso ng cholera sa bansa tumaas ng 230%

228 Views

Tumaas ng 230 porsyento ang bilang ng mga kaso ng cholera sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) nakapagtala ng 2,650 kaso ng cholera mula Enero hanggang Agosto.

Pero sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na sa nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo ay mas mababa ng 18 porsyento ang naitalang kaso kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.

Samantala, sinabi ni Vergeire na nakapagtala ng 7,681 kaso ng typhoid sa unang walong buwan ng taon, tumaas ito ng 109 porsyento kumpara noong 2021.

Sinabi ni Vergeire na gaya ng dengue, kapansin-pansin ang pagtaas ng mga kaso ng cholera at typhoid kapag tag-ulan.