Valeriano

Kaso ng namatay sa vape dapat magsibing wakeup call para sa DOH

Mar Rodriguez Jun 4, 2024
174 Views

BINIGYANG DIIN ni Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na ang kinasapitan ng lalakeng namatay sa sobrang paggamit ng vape ay dapat na magsilbing “wakeup call” para sa Department of Health (DOH) upang agad na kumilos para sugpuin ang e-cigarette sa bansa.

Sinabi ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na tutal ang Health Department naman ang naglabas ng ulat patungkol sa lalakeng namatay sa vape, sila na rin ang dapat kumilos para unti-unting masawata o masugpo ang paggamit ng vape.

Ikinatuwiran ni Valeriano na nakakabahala ang ibinigay na babala ng kapwa niya kongresista na maaaring mauwi sa pagkamatay ng sino man ang pangmatagalang paggamit ng vape o e-cigarette matapos masawi ang 22 taong gulang na lalake na sobrang nahumaling sa vape.

Ayon kay Valeriano, hindi lamang simpleng namatay ang nasabing lalake. Inatake ito sa puso kasunod ng matinding pinsala sa kaniyang baga dahil sa side effects na dulot ng e-cigarette makaraang matuklasan ng DOH na halos dalawang taon ng gumagamit ng e-cigarette ang lalake.

Muling iginiit ng kongresista na ang mapait na sinapit ng nasabing lalaki ang dapat magsilbing “eye opener” para sa Health Department para agad na kumilos o gumawa ng kaukulang aksiyon upang masugpo ang talamak na paggamit ng vape lalo na para sa mga kabataan.

Ikinabahala ni Valeriano ang inilabas na report ng DOH na hindi lamang ang mga matatanda ang gumagamit ng vape. Bagkos maging ang mga menor de edad o 13 yeard old pababa na hindi alam ng kanilang mga magulang.

Sabi pa ni Valeriano, ang paggamit ng vape ay mayroon aniyang masamang epekto na posibleng mauwi sa pagkamatay ng mga taong gumagamit nito.