Kathden

KathDen malapit nang lumipad ng Canada

Vinia Vivar Jul 19, 2024
33 Views

Excited na si Alden Richards sa pagpunta sa Canada para sa shooting ng Hello, Love Again movie nila ni Kathryn Bernardo.

Malapit na ngang lumipad pa-Canada ang KathDen at ngayon pa lang ay nagpaplano na ang dalawa ng mga lugar na pupuntahan nila doon during the three-week filming.

Sa panayam ni Nelson Canlas ng 24 Oras, ibinahagi ng Asia’s Multimedia Star ang mga lugar na plano nilang puntahan sa kanilang free time sa shooting.

“May mga restaurants na parang gusto kaming i-try and at the same time, of course maganda kasi du’n sa area na ‘yun, eh,” aniya.

Pero siyempre, kasama rin nila ang ibang cast.

“So siyempre on our free days, siyempre kasama ‘yung ibang cast, we might go there,” sey ng aktor.

“Food trip, food trip, sarap kumain,” dagdag pa niya.

Bukod dito, excited na rin si Alden sa GMA Gala 2024 na gaganapin bukas, July 20.

“It’s really a collaboration and gathering of stars. So,’yun ‘yung nilu-look forward ko na everyone from the network, and of course, du’n sa mga iba nating kapitbahay na network, nasa isang bubong, all together, glammed up, you know, being able to talk to each other and catch up,” sey niya.