Knife

Katrabaho tinodas ng 3; 1 nahuli, 2 nakatakas

22 Views

PAPATAYIN ko lang si Romeo.”

Ito ang sabi ng isa sa tatlong suspek na nahuli matapos saksakin at patayin ang kanilang katrabaho noong Martes sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa Quezon City General Hospital si Romeo Barbosa Bersamin, 52, pintor ng J3MS Construction.

Arestado ang isa sa mga suspek na si Kalevershan Arlan Castillo, 43, habang pinaghahanap sina Ernesto Mataverde, 26, at Anthony Dematera, 28.

Batay sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang insidente dakong alas-12:00 ng madaling araw sa loob ng J3MS Construction sa 27 Lanutan St., Brgy. Veterans Village, Project 7, Quezon City.

Sa salaysay ng saksing si Mer, dumating si Mataverde na lango sa alak at pinagbantaan siya kasunod ng pagsabi ng: “Papatayin ko lang si Romeo.”

Pumunta ni Mataverde sa barracks ni Bersamin habang nasa labas naghihintay sina Castillo at Dematera.

Nang makita ni Mataverde na tulog ang biktima, dito na niya ito inundayan ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Tumakas sina Mataverde, Castillo at Dematera pero nadakip si Castillo.