tingog Pinangunahan ni TINGOG Partylist Rep. Yedda Marie K. Romualdez (2nd kaliwa ) ang inagurasyon ng Alagang Tingog Center (ATC) sa Mambajao, Camiguin noong Sabado. Kasama niya sina Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo (left) at Camiguin Gov. Xavier Jesus D. Romualdo (2nd right).

Kauna-unahang Alagang Tingog Center sa Camiguin binuksan

Mar Rodriguez Oct 1, 2023
259 Views

PINASINAYAAN na ang kauna-unahang Alagang Tingog Center (ATC) sa Camiguin.

Ang pagbubukas ng ATC, na maglalapit ng mga serbisyo ng gobyerno sa publiko ay naging posible sa pagtutulungan nina Tingog partylist Rep. Yedda Marie K. Romualdez at Camiguin Lone District Rep. Jurdin Jesus M. Romualdo.

Ang ATC ay matatagpuan sa Mambajao, Camiguin na binuksan noong Setyembre 30.

Bukod sa pagbubukas ng ATC, mamigay din ng tig-P5,000 ayuda sa may 2,000 benepisyaryo na kinabibilangan ng mga Persons with Disabilities (PWD) at senior citizen sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare Department’s (DSWD).

Tiniyak ni Rep. Romualdez sa mga Camuiginons ang pagdadala sa kanila ng ATC ng mga serbisyo ng gobyerno sa tulong ng kanilang mga lokal na lider.

Upang mas maging masaya ang event ay nagkaroon din ng raffle ng mga grocery bags, mga sako ng bigas, cellphone, smart TV, rice coorker, gas stove, refrigerator, bisikleta at dalawang bagong motorsiklo.

Nagpasalamat naman ang mga residente sa tulong na maibibigay ng ATC.

Plano ng Tingog partylist sa pamumuno nina Rep. Romualdez at Rep. Jude A. Acidre na makapagbukas ng mas maraming ATC upang maging madali ang pagkuha ng cash, educational, medical, at burial assistance ng mga kuwalipikadong residente.

Kasama sa mga dumalo rin sa event sina Camiguin Gov. Xavier Jesus D. Romualdo, Vice Gov. Rodin Romualdo at Mambajao Mayor Ynigo Jesus D. Romualdo.