Kelot arestado sa rent-sangla scam

280 Views

ARESTADO ang 30-anyos na lalaki na nagsangla umano ng lupa na kanyang nirentahan sa Quezon City.

Si Reymart Santos Mirambil, residente ng Karingal Street, Veterans Village, Barangay Pasong Tamo, Quezon City, ay naaresto sa entrapment operation.

Ayon sa ulat ng pulisya, nirentahan umano ng suspek sa halagang P20,000 kada buwan ang lupa na binabantayan ni Mary Sheryl Grace Realce, 35. Ang lupa ay pagmamay-ari umano nhg tiyahin ni Relace na si Maria Rita Andaya na nakatira na sa ibang bansa.

Lingid sa kaalaman ni Relace nagpanggap umano ang suspek na siyang may-ari ng lupa at isinangla ito kay Redison Sison Rigor, 34-anyos sa halagang P1 milyon.

Nagbigay umano si Rigor ng P850,000 paunang bayad at nangako na ibabalik ang kulang makalipas ang tatlong araw.

Masuwerte umano na nakausap ni Rigor si Realce kaya nalaman nito na siya ay na-scam.

Nahuli ang suspek sa isang entrapment operation alas-9:50 ng gabi sa Army Road Street, Barangay Holy Spirit, Quezon City.