Calendar
Kelot huli sa pagbyahe ng P1.3M pekeng sigarilyo
ZARAGOSA, Nueva Ecija — Kulong ang isang lalaki na nakasakay sa van matapos mahuli umano sa akto na bumibiyahe na may kargang P1.35 milyon na halaga ng pekeng sigarilyo sa isang police checkpoint DITO nitong Sabado.
Sa kanyang ulay kay Nueva Ecija top cop Col. Ferdinand D. Germino, kinilala ni police head Major Gregorio Bautista ang inaresto na isang 42-anyos na lalaki, ng Lapurisima, La Paz, Tarlac.
Nagmamaneho ang suspek ng puting Nissan Urvan vehicle nang parahin ito sa may San Antonio-Zaragosa Road sa Bgy. Batitang dakong alas 2:45 p.m. ng Sabado.
Nang inspeksyunin ang van, nakita na may karga itong mga kahon ng diumano’y pekeng sigarilyo. Matapos imbentaryuhin ay lumabas na ito ay kinabibilangan ng 20 kahon ng Modern Red cigarettes, 25 kahon Modern Blue, 20 kahon ng RGD, at 10 kahon ngbCarnival cigarettes, na aabot sa halagang P1,350,000.
Samantala, dinala ang suspek at mga kontrabando sa istasyon ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.
Ayon kay Germino, kasong paglabag sa Republic Act 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines ang isasampa laban sa suspek sa provincial prosecutor’s office sa Cabanatuan City.