Boga

Kelot laglag sa boga

Edd Reyes Mar 31, 2025
22 Views

ARESTADO ang 43-anyos na lalaki na gumagala habang may bitbit na baril noong Lunes sa Caloocan City.

Hindi agad naisukbit ng maayos sa kanyang baywang ng suspek na si alyas Nelson ang baril nang matunugan ang papalapit na tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Edcille Canals kaya’t kitang-kita ang puluhan na dahilan ng kanyang pagkakadakip.

Nagsasagawa ng pagpapatrulya ang kanyang mga tauhan dakong alas-3:00 ng madaling araw sa Brgy. Bagong Silang nang lapitan sila ng isang residente sa lugar at isinumbong ang pabalik-balik na paglalakad ng suspek habang may bitbit na baril.

Tinungo ng mga operatiba ng Sub-Station 12 ang lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek habang nakasukbit pa sa baywang ang kalibre .38 revolver na may kargang tatlong bala.