Calendar
Ang mugshot ng inarestong suspek sa online gun selling.
Kelot na nagbebenta ng baril online nakorner
CABANATUAN CITY–Naaresto ang lalaking suspek sa pagbebenta ng baril online sa buy-bust sa Brgy. Cabalantian, Bacolor, Pampanga noong Biyernes, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 3.
Ang pag-aresto sa suspek na si alyas MC ay ikinasa sa isang convenience store alas-7:20 ng gabi, ayon kay CIDG-Pampanga chief Lt. Col. Marlon Cudal.
Nasamsam sa operasyon ang isang cal .30 rifle, M1917 Remington, isang P1,000 bill, 269 na piraso ng P1000 boodle money, mobile phone at isang Mitsubishi L-300 (CCJ 1731).
Nag-ugat ang operasyon sa naunang transaksyon sa suspek na hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng hindi lisensyadong baril sa pamamagitan ng online platform.
Mga kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) ang isasampa laban sa suspek.

