Calendar

Kelot nahablot ng parak dahil sa paghablot ng CP
ARESTADO ng mga pulis-Maynila ang lalaking suspek sa snatching sa Malate, Manila noong Sabado.
Nahuli ang suspek na si alyas Damil, 32, dahil sa sumbong ng 21-anyos na estudyante sa mga tauhan ng Malate police station 9 ng Manila Police District na nahablutan ng cellular phone habang naglalakad sa San Andres St., Brgy. 739, Malate, Manila.
Suspek si alyas Damil sa pang-aagaw ng Samsung Galaxy A32 ng biktima na nagkakahalaga ng P27,000. Bandang alas-9:24 ng umaga ng hablutin ang cellphone ng biktima.
Nakipag-ugnayan ang estudyante malapit sa barangay hall kaya nagsagawa ng follow up operations ang mga tauhan ng Station 9 at natimbog ang suspek. Nakuha pa sa suspek ang paltik na baril at isang bala.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 293 ng Revised Penal Code (robbery-snatching) at RA 10591 (Comprehensive Firearms And Ammunition Regulation Act).