Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Motor

Kelot pinarada motorsiklo sa loob ng simbahan, tiklo

29 Views

ARESTADO noong Miyerkules ng mga pulis ang isang lalaki matapos iparada ang minamanehong motorisiklo sa loob ng simbahan sa Taal, Batangas.

Si Taal Basilica Representative Christian Ilagan Samonte ay nagtungo sa Taal Municipal Police Station at inireport ang pangyayari.

Agad nagresponde ang mga kapulisan matapos matanggap ang ulat tungkol sa insidente.

Ang suspek na kinilala ng mga pulis Taal na si alyas Angelo ay pumasok sa simbahan bandang 8:00 ng gabi ng Abril 8, 2025 sakay ng kanyang minamanehong motorsiklo at ipinarada ito sa harap ng altar.

Pumunta umano ang suspek sa presidential chair habang pumapalakpak.

Matapos nito, umupo sa may altar at ang suspek at nag-ingay.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Taal Municipal Police Station ang lalaki at mahaharap sa kasong offending religious feelings sa ilalim ng Article 133 ng Revised Penal Code.