Suspek Source: File photo

Kelot tiklo sa 2 counts ng rape

Gil Aman Nov 10, 2024
22 Views

ARESTADO ang isang lalaki dahil sa 2 counts ng qualified rape noong Sabado sa Brgy. Dolores, San Pablo City, Laguna.

Dinakip ang suspek na si Alyas Mark dakong ala-1:45 ng hapon sa Brgy. Dolores matapos umanong gahasain ang menor edad na biktima, ayon kay P/Lt. Col. Franco Alex Reglos.

Natiklo ang suspek sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Myla Villavicencio Olan, Presiding Judge ng Fourth Judicial Region, Family Court Branch 7 ng San Pablo City.

Nakapiit na sa San Pablo police station ang suspek.