Dedo Sinisiyasat ng mga pulis ng Manila District Traffic Enforcement Unit ang wala ng buhay na biktima na sinalpok ng dalawang motor sa Tondo, Manila.

Kelot utas sa salpok ng 2 motor; riders tumakas

Jon-jon Reyes Nov 8, 2024
48 Views

DEAD-on-the-spot ang lalaki na nabundol ng dalawang magkasunod na motorsiklo noong Biyernes sa northbound lane ng Jose Abad Santos Avenue at Tecson St.,Tondo, Manila.

Ayon kay Police Corporal Rudolf Riddick Fajardo, may hawak ng kaso, bandang ala-1:30 ng madaling araw nang itawag sa police precinct ang sinapit ng biktimang si Wilson Mallari.

Base sa report, naglalakad ang biktima nang mabundol ng isang motorsiklo na hindi naplakahan at nagresulta sa pagkakatilapon ng biktima sa kalsada.

Ilang minuto lang, nabundol uli ng isa pang motorsiklo ang biktima. Parehong tumakas ang rider na nakasalpok sa biktima.