Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026
Calendar
Metro
Rider nahaharap sa direct assault sa pananapak sa parking attendant
Jon-jon Reyes
Nov 8, 2024
614
Views
NAHAHARAP sa kasong direct assault ang Joyride rider na umano’y nanapak ng 56-anyos na parking attendant ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) noong Huwebes sa Asuncion St., Binondo, Manila.
Kinilala ang suspek na si alyas Benigno, ayon sa mga pulis.
Bugbog, galos at napunit ang uniporme ng biktimang si alyas Elmer, MMDA deputized enforcer at parking attendant ng MTPB, dahil sa suspek.
Sa ulat ni Police Master Sergeant Ryan DL Fortich, naganap ang pananapak sa biktima bandang alas-5:50 ng umaga.
Nagmamando umano ng batas trapiko ang biktima ng bigla na lang bugbugin ng suspek sa hindi pa malamang kadahilanan.

