Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026
Calendar
Sinisiyasat ng mga pulis ng Manila District Traffic Enforcement Unit ang wala ng buhay na biktima na sinalpok ng dalawang motor sa Tondo, Manila.
Metro
Kelot utas sa salpok ng 2 motor; riders tumakas
Jon-jon Reyes
Nov 8, 2024
623
Views
DEAD-on-the-spot ang lalaki na nabundol ng dalawang magkasunod na motorsiklo noong Biyernes sa northbound lane ng Jose Abad Santos Avenue at Tecson St.,Tondo, Manila.
Ayon kay Police Corporal Rudolf Riddick Fajardo, may hawak ng kaso, bandang ala-1:30 ng madaling araw nang itawag sa police precinct ang sinapit ng biktimang si Wilson Mallari.
Base sa report, naglalakad ang biktima nang mabundol ng isang motorsiklo na hindi naplakahan at nagresulta sa pagkakatilapon ng biktima sa kalsada.
Ilang minuto lang, nabundol uli ng isa pang motorsiklo ang biktima. Parehong tumakas ang rider na nakasalpok sa biktima.

