Kiko2

Kiko babanggain si Coco

Ian F Fariñas May 23, 2024
139 Views

SIMULA Hunyo, lilipat na sa primetime slot ang TV5 afternoon seryeng Lumuhod Ka sa Lupa na pinagbibidahan nina Sarah Lahbati, Kiko Estrada, Rhen Escaño, Mark Anthony Fernandez, Gardo Versoza at iba pa.

Dahil d’yan, direkta nang babangga si Kiko, ang binansagang “Bagong Prime Leading Man” ng kanyang henerasyon, sa primetime action stars na sina Coco Martin at Ruru Madrid.

Sa solo interview na ibinigay ng Viva Artists Agency (VAA) para kay Kiko nitong Miyerkules, natanong ang aktor kung may pressure ba sa kanya na tumapat at makipagsabayan kina Coco at Ruru.

Pag-amin niya, “There’s always gonna be pressure basta maganda ‘yung materyal. Kasi sa akin, it started with a good material, Carlo J. Caparas’ Lumuhod La sa Lupa, and then sobrang sakto lang na magaling ‘yung direktor namin (Albert Langitan at Roderick Lindayag), magaling ‘yung mga writer, magaling ang producer na we delivered. It’s like, uh, alam mo ‘yung parang it has to work in all those aspect and then, ‘di ba, it works. And now you then go to prime and I hope that it continues to be that. So the pressure is for the content, for the output of the story is to be the same.”

Maging si Direk Albert, naniniwala na destined si Kiko maging action star.

Bilang si Norman dela Cruz, isang lalaking maraming pagdaraanan sa buhay tulad ng paghihiganti, maraming maaksyong eksena si Kiko sa serye.

Diin niya, matagal na niyang pangarap ang maging action star tulad na rin ng bida sa original movie version ng Lumuhod Ka sa Lupa na si Rudy Fernandez.

“I do most of the stunts,” banggit niya sa katatapos na interview.

“’Yun na lang ‘yung problema, kailangan nila akong kontrolin,” natatawang pag-amin ng anak ni Gary Estrada.

Bukod sa pagwo-workshop at pagte-training para sa karakter ni Norman, ang isang bagay na itinuro naman sa kanya ng ama niya ay ang disiplina.

Kaya naman ganu’n na lang ka-focused si Kiko sa acting career niya ngayon at sobra siyang nagpapasalamat sa Viva at Studio Viva sa pagbibigay sa kanya ng tsansang patunayan ang husay niya sa ganitong genre.

Sa ngayon, napapanood pa ang Lumuhod Ka sa Lupa mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa TV5.