Yandong

Dong binahagi mga ganap sa AKTOR general assembly

Vinia Vivar May 23, 2024
67 Views

Ibinahagi ni Dingdong Dantes ang naganap sa star-studded general assembly league of Filipino actors na AKTOR na matatandaang itinatag ng aktor noong 2020.

Base sa Instagram post ni Dong, ginanap ang General Assemby last Sunday at makikita sa video na star-studded ito dahil sa pagdalo ng malalaking artista at mga haligi ng industriya.

Sa caption ay inanunsyo ni Dong na tumanggap sila ng mga bagong board member, Advisory Board at 100 new members.

“Last Sunday, ginanap ang pangalawang General Assembly ng @aktorph mula nang itinatag ito noong Mayo 2020, at masaya kaming winelcome ang higit sa 100 new members sa komunidad,” simulang kwento ni Dong.

“Isa ito sa series ng pagtitipon at orientation dahil ngayon ay binuksan na namin ang membership sa lahat ng working actors sa industriya — Nationwide. (For eligibility please see our website aktor.ph),” patuloy niya.

Inanunsyo rin niya ang apat na bagong miyembro ng Advisory Board na sina Charo Santos-Concio, Vilma Santos, Christopher de Leon at Tirso Cruz III.

“Naganap din ang paghalal ng bagong Board Members na maglilingkod sa organisasyon sa susunod na 3 taon, at mapalad kami na ipinagtibay ito ng ating bagong Advisory Board na binubuo ng ating mga kinikilalang pillars ng industriya — sina Ma’am Charo Santos-Concio, Christopher De Leon, Tirso Cruz III at Vilma Santos-Recto. Ang kanilang gabay ay tiyak na magbibigay sa atin ng kakayahang makamit ang pangarap ng organisasyon,” pagbabahagi pa ng mister ni Marian.

Nagpasalamat din siya kay Sen. Robin Padilla na naging bagong miyembro at kina Direk Joey Reyes ganundin sa suporta ng head ng Mowelfund na si Boots Anson-Rodrigo.

“Maraming salamat sa IGA officers na sina Paolo, Macky at Jules, na nagsilbing COMELEC (at may balota talaga??) nu’ng gabing iyon.

“Kaya’t sa pagbubukas ng aming mga pinto — excited kami sa sama-sama nating pagtupad ng aming mga pangarap.

“Sabi nga ni Ser Ron Capinding, ang dati kong teacher sa High School at ngayo’y outgoing Vice Chairman ng Aktor, ‘Kung hindi rin lang lahat, eh, walang ipagdiriwang. Walang saysay kung umarangkada ka mag-isa,’” aniya pa.

Last but not the least, hindi nakalimutang pasalamatan ni Dingdong ang kanyang misis na si Marian Rivera na naging punong abala sa pag-aasikaso sa event.

“Higit sa lahat; salamat sa aking very supportive Misis @marianrivera for dressing up the place beautifully, and for the super delicious food carts and giveaways!” ani Dong.