Marian

Dingdong: Marian panalo sa puso

Jun Nardo May 24, 2024
52 Views

NAMIMIGAY na rin pala ng acting awards ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines o CEAP.

Ang alam namin, eh, mga may-ari ng sinehan ang members nito.

Take note na si Marian Rivera ang isa sa mga nabigyan ng award pati na ang nasa likod ng pelikula nila ni Dingdong Dantes na Rewind.

Lahat naman ay may karapatang mamigay ng awards. Much more sa CEAP dahil involved talaga sila sa movie industry.

Proud hubby si Dingdong sa message niya kay Yan sa Facebook.

“She’s not just acting. She’s winning hearts. Congratulations to my wife –excited for the many things coming your way, Marian Rivera.”

Naku, siguradong ipagmamalaki ni Dong si Yan kapag napanood ang ginagawang Cinemalaya movie na Balota.

Congratulations, Marian!

ISKO TUTOK SA SHOWBIZ CAREER

DAGDAG saya si Isko Moreno sa GMA morning show na TiktoClock.

Regular nang napapanood si Isko sa show. Patunay ito na sa career na talaga ang focus niya.

May isa pang gagawing show ni Yorme pero hindi pa nagkakaroon ng pirmahan ng kontrata.

Kaya naman ‘yung nagdadarasal na babalik si Moreno sa pulitika next year, eh, mukhang nganga sa inaasam nila, huh!