Lapid

Sen. Lapid nagpapalipad hangin kay Lorna

Vinia Vivar May 24, 2024
62 Views

Kinumpirma ni Lolit Solis na nanliligaw nga si Sen. Lito Lapid kay Lorna Tolentino.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni ‘Nay Lolit na pinadalhan siya ng envelope ng action star/politiko at duda niya ay dahil ‘yun sa influence ni LT.

“Aminin na natin na nagpapalipad hangin si Lito Lapid kay Lorna Tolentino,” she revealed.

Ayon sa manager ni LT, nasa alaga na niya ang desisyon tungkol dito.

“Well, si Lorna lang ang puwede mag decide sa lovelife niya. Kung makaka abante si Lito Lapid, na kay Lorna lang desisyon. Hindi ko lang ma comprehend kung sakali na nagkaruon siya ng Ysabel kay Michelle Ortega, at ngayon naman lumiligaw siya kay Lorna Tolentino,” anang veteran showbiz writer/talent manager.

Hiling lang niya ay walang maging maling desisyon na mangyari if ever.

“Basta everything will fall into it’s proper place. Kung alin ang mabuti para sa isa’t isa iyon ang mangyayari. Ipagdasal natin na walang maling desisyon na maganap. Iyon sana lahat masaya. Walang agrabiyado. Walang naapi o naisahan. Be happy, para bongga,” sey pa ni ‘Nay Lolit.

Magkapareha sina LL at LT sa FPJ’s Batang Quiapo at nag-click sa mga manonood ang kanilang tambalan.

“PrimAmanda” nga ang tawag sa tandem nila mula sa mga pangalan ng karakter nila sa serye na Primo at Amanda.