Darrell John

Kinasal lang para sa Visa, Pwede pa bang mapawalang-bisa?

Darrell John Jan 11, 2024
175 Views

ISANG tanong ang natanggap natin kamakailan:

“Attorney, pwede bang mapawalang bisa ang kasal na gawa-gawa lang para sa pagkuha ng visa?”

Oo, nagbibigay ang batas ng ating ng mga paraan para sa annulment sa mga ganitong klaseng kaso. Ang Family Code of the Philippines ay nagtatakda ng ilang mga grounds kung saan maaaring maideklarang null and void ang isang kasal.

Tinalakay sa Article 45 ang mga isyu tulad ng consent na nakuha sa pamamagitan ng force, intimidation, o undue influence. Dagdag pa rito, kabilang sa mga grounds ang psychological incapacity (Article 36, Executive Order No. 227), fraud, kakulangan sa parental consent, impotence, sexually transmitted diseases, at ang pre-existing marital status ng isa sa mga partido.

Higit sa lahat, ang kakulangan ng essential requisites tulad ng legal capacity ng mga contracting parties at consent na malaya at boluntaryong ibinigay, o formal requisites tulad ng authority ng solemnizing officer, isang valid marriage license, at ang aktwal na marriage ceremony, ay maaaring magdeklara sa isang kasal na void ab initio.

Ado-An-Morimoto v. Morimoto

Isang landmark case na nagpapakita ng mga prinsipyong ito ay ang kaso ng Ado-An-Morimoto v. Morimoto, G.R. No. 247576. Sa kasong ito, ang petitioner na si Rosario ay pumasok sa isang simulated marriage kasama si Yoshio para makakuha ng Japanese visa. Sila ay pumirma sa isang blankong marriage certificate sa Manila City Hall, sa pag-aakalang hindi ito ire-rehistro. Ngunit, na-irehistro pala ang kanilang kasal. Kalaunan, ang petisyon ni Rosario para sa nullity ng naturang kasala ay nagpakita na walang naganap na tunay na marriage ceremony at walang na-issue na marriage license. Idineklara ng Supreme Court na void ab initio ang kasal dahil sa kakulangan ng essential at formal requisites.

People v. Santiago

Para sa karagdagang pag-unawa, tingnan ang kaso ng People v. Santiago, kung saan ang kasal ay itinuring na void dahil sa kakulangan ng essential consent, dahil ang seremonya ay ginamit lamang bilang estratehiya upang makaiwas sa mga kriminal na persecution. Ipinapakita ng kasong ito ang kahalagahan ng tunay na intensyon at pagsunod sa legal na formalities sa bisa ng isang kasal.

Sa kabuuan, ang legal framework ng Pilipinas ay lubos na sumusuporta sa annulment ng mga kasal na kulang sa mahahalagang bahagi tulad ng tunay na consent at legal formalities.

Ikaw, Kailangan Mo ng Legal na Payo?

Kung mayroon kang mga tanong o nangangailangan ng gabay, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng email: [email protected].

O ‘di kaya magpadala ng mensahe sa aming social media pages:

Instagram — https://www.instagram.com/_darrelljohn/
Facebook — https://www.facebook.com/thedarrelljohn/

Ang aming team ay nakahanda upang magbigay sa iyo ng kinakailangang suporta at payo. Salamat, hanggang sa susunod sa pagtalakay ng batas!