Lacuna

Klase, pasok sa city hall suspendido sa Enero 9

Edd Reyes Jan 5, 2023
173 Views

INANUNSYO ng city government ng Maynila na suspendido ang klase sa lahat ng antas at walang pasok ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan sa Enero 9 ang pista ng Itim na Nazareno.

Nagpalabas ng executive order si Manila Mayor Honey Lacuna kaugnay ng suspensyon ng pasok.

Hinimok din ni Lacuna ang mga pribadong kompanya na magsuspendi ng pasok upang hindi mahirapan ang kanilang mga empleyado.

Ang mga ahensya ng national government na nasa Maynila ay siyang magdedesisyon kung papapasukin ang kanilang mga kawani.

Mahigpit naman umanong ipatutupad ng city hall ang City Ordinance No. 5555 na nagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar mula Enero 7 hanggang 9.