Online seller kulong sa ibinentang nakaw na motorsiklo

136 Views

ARESTADO ang isang 20-anyos na online seller na nagbenta umano ng nakaw na motorsiklo sa Quezon City.

Kinilala ni PLTCOL Mark Janis Ballesteros, Station Commander ng Police Station 3 ang suspek na si BJ Vincent Escote, residente ng Nipas Compound, Brgy. Balon Bato, Quezon City.

Noong Nobyembre 6, 2022 ay iniulat umano ni Claire Alcantara na ninakaw ang kanyang Yamaha Mio MXi motorcycle sa kanilang bahay sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Noong Enero 3, 2023, nakita umano ni Alcantara ang kanyang motorsiklo na ibinebenta sa Facebook Marketplace kaya humingi ito ng tulong sa pulisya.

Nagpanggap umanong buyer ang biktima at nakipag-meet-up sa suspek sa A. Bonifacio Avenue, Brgy. Balingasa, Quezon City alas-11 ng gabi noong Enero 3, 2023.

Nang buksan ang compartment ng motorsiklo ay nakita umano ang isang sumpak na mayroong bala ng 12-gauge shotgun.