PCSO

Mananaya sa Parañaque nanalo ng P19.5M sa MegaLotto 6/45

92 Views

ISANG mananaya sa Parañaque City ang nanalo ng P19.5 milyong jackpot prize sa bola ng MegaLotto 6/45 noong Enero 2.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang nakakuha ng mga numerong 04-26-38-15-34-17 ay tumaya sa Merville.

Nanalo naman ng tig-P32,000 ang 11 mananaya na nakakuha ng limang numero at tig-P1,000 naman ang 893 mananaya na nakaapat na numero. Ang 16,977 na nakakuha ng tatlong numero ay nanalo ng tig-P30.

Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.

Ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20% buwis.