Kongresista hinamon mga taga-DA, BPI na magbitiw

Mar Rodriguez May 11, 2023
214 Views

PINAYUHAN ng isang kongresista ang mga opisyal ng Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry (BPI) na magbitiw na lamang sa pwesto kung muling papalo sa P600-P700 ang presyo ng sibuyas.

Sinabi ni Cavite Congressman Elpidio “Pidi” F. Barzaga, Jr. na oras na maulit ang napakataas na presyo ng sibuyas ay ipinapakita lamang nito na hindi ginagampanan ng DA ang kanilang trabaho.

“I think the officials coming from DA should resign sapagakat alam naman natin itong epekto ng presyo ng sibuyas. Nakita na natin P750 e pag pumalo na naman ng P600 to P700 e talagang walang ginagawa ang DA. They have been very remise in their performance of their obligations to the prejudice of the Filipino people especially the poor.” Sabi ni Barzaga

Ayon naman sa KASAMNE, na sa kasalukuyang panahon ang cold storage, noong nagsimula ang bentahan ng sibuyas nitong Marso ay pumalo ang farm gate price nito ng P55 hanggang P120.

Ayon naman kay Agriculture Assistant Secretary. Kristine Evangelista, ang naturang farmgate price ay naibebenta sa palengke ng P160 hanggang P180 habang P200 hanggang P230 sa mga supermarket.

Idinagdag pa ni Evangelista na buwanan na ang kanilang ginagawang “price and volume watch” at hindi lamang magdaraos ng “stakeholders meeting” kapag may krisis.