Kongreso nababahala sa political asylum application ni Teves

Mar Rodriguez May 11, 2023
137 Views

IPINAHAYAG ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na nababahala ang Mababang Kapulungan sa mga ulat mula sa Department of Justice (DOJ) at Department of Foreign Affairs (DFA) patungkol sinasabing sa aplikasyon ni suspended Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. para sa “political asylum” sa Timor Leste.

Ayon kay Speaker Romualdez, kanyang dini-discourage o hindi pinapayuhan si Teves na kumuha ng “refuge” sa ibang mga bansa at abandonahin ang kanyang sinumpaang tungkulin bilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Iginigiit ni Romualdez na sa halip na takasan ni Teves ang imbestigasyon ng law enforcement agencies sa Pilipinas, ang pinaka-mainam pa ring gawin niya ay umuwi sa ating bansa at harapin ang mga akusasyon laban sa kanya.

Sinabi pa ng House Speaker na ilang beses na niyang tiniyak kay Teves na handa ang Kamara na bigyang-seguridad siya sa oras na umuwi na ng Pilipinas.

Nagbabala din si Speaker Romualdez kay Teves na kung patuloy siyang lalabag at hindi babalik sa trabaho sa Kamara matapos ang 60-araw na panahon ng suspensyon sa kanya.

idinagdag pa ni Romualdez na “ang House Committee on Ethics and Privileges ay kikilos at ikukunsidera ang panibagong “disciplinary action” laban sa kanya”.

Binigyang diin ng House Soeaker na ito ay gagawin nila para mapanatili ang dignidad, integridad at reputasyon ng Kapulungan.