FDA

Korte Suprema pinuri sa pagpapatibay ng otoridad ng FDA na iregulate produktong tabako

77 Views

PINURI ni Sen. Pilar Pia Cayetano ang desisyon ng Korte Suprema na pinagtitibay ang awtoridad ng Food and Drug Administration (FDA) na mag-regulate ng mga produktong tabako sa Pilipinas.

Ang desisyong binigyan tuldok sa 15 taong legal na labanan na nagsimula sa pagpasa ng FDA Law noong 2009 kung saan malinaw na ang desisyon na ang mga produktong tabako isasailalim sa parehong mga regulasyon sa kalusugan tulad ng iba pang mga produktong pang-consumer na may kaukulan monitoring o pagbabantay.

Binigyang diin ni Cayetano ang kahalagahan ng pangangasiwa ng FDA upang mapangalagaan ang kalusugan ng publiko.

“For too long, the tobacco industry has attempted to exempt itself from FDA regulation despite the fact that everyday products like shampoo, toothpaste and household items are subject to FDA oversight,” kanyang idinagdag.

Ayon sa senador, ang makasaysayang desisyon na ito naaayon sa mga pangako ng Pilipinas sa World Health Organization’s Framework Convention on Tobacco Control.

“The Supreme Court’s decision aligns with our international commitments… and reinforces our duty to prioritize public health protection over industry interests,” kanyang sinabi.

Binigyang-diin ni Cayetano na ang pagprotekta sa kalusugan ng mga Pilipino, partikular na ang kabataan, mananatiling pangunahing layunin ng pamahalaan.

Sa desisyong ito, umaasa si Cayetano na ganap na gagamitin ng FDA ang awtoridad nito upang magtatag ng isang matibay na regulatory framework para sa mga produktong tabako at tiyakin na ang kalusugan ng publiko pangunahing isasaalang-alang sa mga patakaran ng gobyerno.